- di ako sikat at walang balak magpasikat
- di ako macho puro taba ang katawan ko
- mga ASIAN HOT GIRLS MERON dito
- di rin ako magaling mag kwento
- corny ako magpatawa
- pero kagaguhan dito
- kung hanap mo inspirational stories, artsy stuff, o feel good things sorry maliligaw kayo...
View
My Stats
kahit kailan di ko pinagsisihan na ikaw ang aking minahal. di ko mawari minsan kung bakit may mga indibidwal na sadyang halos patayin nila sa mura ang mga taong naging karelasyon nila. dahil ba nasaktan sila? sa kadahilanang bang di nagkatotoo ang mga ipinangako sa kanila? o dahil nahuli na siya ay nilolo ko at pinagsisinungalingan?
ewan sadyang marami naman talagang dahilan. pero di ba nila naisip na ito ay kaakibat ng tinatawag nilang “pagmamahal?” ikaw naman mismo sa sarili mo ang pumili na pasukin ito di ba? di naman ikaw tinutukan ng kutsiyo at pwersahan makipagrelasyon. hindi ka naman hinostage ng boypren o gelpren mo at pinilit na mahalin siya.
minsan kailangan lang siguro natin isipin na minsan pagkakamali din natin ang masyadong nabulag at namuhay sa pantasya ng “ever after” minsan dapat nating nalang isipin na lahat ng itong ating nararasan at sadyang hiram lamang. na dapat pahalagan habang ito ay nasa atin mga kamay.
at kahit kailang wag nating isisi sa iba kung bakit ka pa nagmahal…