- di ako sikat at walang balak magpasikat
- di ako macho puro taba ang katawan ko
- mga ASIAN HOT GIRLS MERON dito
- di rin ako magaling mag kwento
- corny ako magpatawa
- pero kagaguhan dito
- kung hanap mo inspirational stories, artsy stuff, o feel good things sorry maliligaw kayo...
View
My Stats
Kahit ano pang gawing kasalanan sakin ng mga taong nasa paligid ko, kahit minsan, hindi ko naisipan gumanti. Dahilan na rin siguro na tamad ako. Haha. Pero bukod dun, naisip ko kasi na kung sila, nasa intensyon nilang makasakit, ako hindi. Wala naman kasi akong mapapala sa pananakit ng iba ng intensyonal. Hindi rin magandang gawing habit yun. Kasi hindi natin alam, unti unti na palang nababago ang pagkatao natin dahil sa pakonti-konting paggawa natin ng masama sa kapwa.
Kaya ako, kahit gaano pa ako kagalit sa isang tao, kahit gaano pa ka-inis, ka-imbyerna at kung ano ano pa, hindi ko talaga kahit kailan hihilingin na sana may masamang mangyari sa kanila o sa mga espesyal na tao sa buhay nila.
Sino naman ako para magparusa? :)
san gawa ang puso mo?